Ang tennis ay isang puno ng aksyong sport na may napakaraming posibleng kalabasan. Puwede kang mag-bet sa tennis bago ang laban at habang ginaganap din ang laro - nang live (tinatawag din itong in-play). Sa in-play, manonood ka lang nang live sa TV o mga online video broadcast. Nag-aalok ang mga bookmaker ng iba't ibang uri ng market na pinresyuhan sa iba't ibang odd (ibig sabihin ay iba't ibang potensyal na pagkapanalo). Kapag mas malaki ang odd, mas malaki ang posibleng makuha, pero mayroon ding mas malaking panganib. Puwede mong malimitahan ang panganib kung marami kang alam tungkol sa mga tennis player. Sa ganitong aspeto, mas madali ang pag-bet sa tennis kaysa sa football o iba pang team sport dahil kailangan mo lang isaalang-alang ang mga istatistika ng dalawa o apat na player.
Para gumawa ng sarili mong prediksyon, gamitin ang lahat ng available na impormasyon – hindi lang ang pisikal na kondisyon ng atleta, pati na rin ang mga kaganapan nila sa buhay. Maaaring mapakinabangan ng mga baguhan ang mga libreng prediksyon sa mga sporting event.
Pakitandaan na, hindi tulad ng ibang sport, walang draw sa tennis. Kung magiging patas ang score, magkakaroon ng tie-breaker. Ang pagkapanalo ni Player 1 o Player 2 ay kinakatawan ng W1 at W2 sa website. Puwede kang mag-bet sa kalalabasan ng buong laban o ng hiwalay na mga set. Halimbawa, kapag magbe-bet nang live, mainam na i-assess ang form ng player sa unang set at mag-bet sa kalalabasan ng pangalawang set, kung magkakaroon ng tie-breaker o hindi, at sa iba pang itinatampok ng laban.
Ang kabuuan sa tennis ay kadalasang tumutukoy sa kabuuang bilang ng mga nilaro. Isa itong bagay na dapat tandaan kapag nagbe-bet sa tennis. Gumagamit ang mga bookmaker ng mga kabuuan sa iba't ibang market. Ito ang mga sumusunod na opsyon:
kabuuan ng laban;
kabuuang even o odd;
total over o under;
resulta ng player sa isang laban o sa isang indibidwal na set (tinatawag kung minsan na ""kabuuan ng indibidwal"").
Ang mga pag-bet sa maraming market ay sikat din sa tennis. Ang kabuuan ay itinuturing na mas mahirap na hulaan kaysa sa kalalabasan ng buong laban dahil kailangan mong makilala nang mabuti ang mga player, i-assess ang mga dynamic at suriin ang mga istatistika. Kung minsan, mahalaga kung sino ang unang magse-serve.
Sa ganoong sitwasyon, kailangan mong tantyahin ang potensyal na difference sa bilang ng pagkapanalo sa mga kalaban. Ang handicap ay puwedeng positibo o negatibong numero. Mananalo ang bet na positibong handicap kung, pagkatapos idagdag ang handicap sa score ng player, mananalo ang player na iyon. Kailangang ibawas ang negatibong handicap sa score ng player. Imposibleng makagawa ng draw ang isang decimal na handicap.