Napakasikat ng sport na ito at ang pagkakaroon ng maraming laban sa iba't ibang liga ay nagbibigay-daan sa pagkolekta ng maraming data para sa pagsusuri ng istatistika. Puwede kang mag-bet bago magsimula ang laro o habang nagaganap ang laro. Tinatawag din itong pag-bet nang live. Maaaring maging mahirap para sa baguhan dahil kailangang i-assess kaagad ng player ang sitwasyon at ang mga tsansa ng team at kailangan ding piliin ang mga pinakaangkop na market para makuha ang pinakamalaking kita. May isa pang kondisyon: dapat mong panoorin online nang live ang laro o sa TV at magbigay kaagad ng reaksyon sa mga event.
Mag-bet nang isa-isa sa basketball o pagsamahin ang maraming market. Halimbawa,puwede kang mag-bet sa partiklular na NBA o Euroleague team para manalo at sa mga difference ng point ng nanalo sa kalaban. Pakitandaan na nagbabago ang mga odd paglipas ng panahon. Ang pinakamatataas na odd ay available bago magsimula ang laro kapag walang masyadong impormasyon para mahulaan ang resulta. Kapag mas malapit sa pagtatapos ng laban, mas mababa ang mga odd dahil mas magiging madaling mahulaan ang kalalabasan.
Ito ang pinakasimpleng opsyon. Sa maraming laro, maging ang baguhan ay puwedeng mahulaan ang resulta. Gayunpaman, ang mga odd sa mga nasabing clear-cut na laro ay hindi sobrang taas. Kadalasang tumataas ang mga odd kapag mahirap na hulaan ang resulta nang walang sapat na kaalaman sa mga istatistika.
Para manalo gamit ang system na ito, kailangan mong tantyahin ang inaasahang difference sa point ng mga team. Ang handicap ay puwedeng positibo o negatibo at kadalasan ay decimal number ito. Simple lang ang prinsipyo:
Positibong handicap sa resulta ng team. Ipagpalagay nating +5 ito. Kaya, magdaragdag ng 5 sa pinal na score ng laban. Kung mananalo ang team matapos idagdag ang handicap, mananalo din ang bet. Para maiwasan ang sitwasyon na magka-draw kapag nagdagdag ng handicap (na nangangahulugan ng pag-refund sa customer), kadalasang gumagamit ng mga decimal number ang mga bookmaker, halimbawa 5.5.
negatibong handicap. Ang bilang na ito ay ibabawas sa resulta ng isang team o indibidwal na player. Kung panalo pa rin ang team pagkatapos ibawas ang handicap, mananalo ang bet.
Ang pag-bet sa handicap ay mas kumplikado kaysa sa pag-bet sa nanalo, pero maaaring mas malaki ang kitain dito.
May iba't ibang uri ng kabuuan: mga kabuuan ng laban at quarter, kabuuan ng mga team, kabuuan ng mga indibidwal na player. Ang lahat ng ito ay magagandang opsyon para sa pag-bet. Nag-aalok ang bookmaker ng partikular na hula – halimbawa, para sa 100 point na iso-score sa kabuuan. Puwede kang mag-bet sa Total Over (101 point o higit pa) o sa Total Under (99 o mas mababa). Kadalasang ang kabuuan ay isang decimal number, para hindi maging posible ang pag-refund (sakaling maging eksaktong 100 point ang magiging score), puwedeng manalo o matalo ang bet.